Pepe

Si Pepe ay si Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda o mas kilala bilang Jose Rizal noong siya ay bata pa.  Pepe ang naging palayaw niya dahil sa panahon ng mga Espanyol ang pangalang Jose ay kadalasang may palayaw na Pepe. Ang pangalan niyang Jose naman ay galing sa pangalan ng ama ni Hesus  na si San Jose o Joseph. Sa wika ng Latin at Kastila ang Joseph ay tinatawag na pater putativus na sa abbreviation ay P.P. Kapag babasahin natin ito sa sariling wika, ang dalawang titik ay pronounced as “Pe Pe” at sinasabing diyan nagsimula kung bakit Pepe ang palayaw ng mga Jose.
Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko noong Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino Collantes, isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, isang taga-Calamba. Siya ay ang I kapitong angak ni Francisco Mercado at Teodora Alonso. Nang nasa tatlong taong gulang si Pepe ay natutunan niya na ang abakada sa kanyang ina. Nang nasa apat na taong gulang, namatay ang kanyang paboritong kapatid na si Conception na nagbigay sa kanya ng labis na  kalungkutang. Nang siya ay nasa 5 taon, marunong na siya bumasa ng kwento sa Kastila at magdasal dahil sa katalinuhan niya at pagpupursigi niyang matututo. Nang nasa walong taong gulang naman, siya ay gumawa siya ng isang tulang pinapamagatan Sa aking Kabata. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika.

Nang nasa tatlong taong gulang si Pepe ay natutunan niya na ang abakada sa kanyang ina.  Nang nasa apat na taong gulang, namatay ang kanyang paboritong kapatid na si Conception na nagbigay sa kanya ng labis na kalungkutan. Nang siya ay limang taong gulang, marunong na siya bumasa ng kwento sa Kastila at magdasal dahil sa katalinuhan niya at pagpupursigi niyang matututo. Nang nasa walong taong gulang naman, siya ay gumawa siya ng isang tulang pinapamagatan Sa aking Kabata. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika.

Nang siyam na taong gulang naman si Pepe ng ipadala siya ng kanyang ama sa Binan upang mag-aral. Ang kanyang guro ay si Ginoong Justinano Aquino Cruz. Madalas kutsain si Pepe ng kanyang mga kaklase dahil siya ay maliit ngunit si Pepe ay ipinagtatanggol ang kanyan sarili at kailanman hindi siya magpapatalo.  Nang 11 na taong gulang, si Pepe ay nagsimulang mag-aral sa Maynila. Sa San Juan de Letran sana siya mag-aaral ngunit sa Ateneo Municipal na lamang dahil pantay pantay ang pagtingin sa lahat.

Nagpakita si Pepe ng kamalas malas na talino na hindi pangkarniwan kumpara sa isang batang katulad niya. Ito ay simula pa lamang ng pagsaksi sa kahusayan at kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s